19-anyos na tulak ng marijuana, tiklo sa Ibaan, Batangas

Arestado ang isang 19-anyos na binata na umano’t tulak ng marijuana sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Coliat, Ibaan, Batangas, dakong alas-10:30 kagabi ng Biyernes, Abril 21, 2023.

Kinilala ng Ibaan Municipal Police Station ang suspek na si Mark Joram Suarez na residente ng nabanggit na barangay.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Narekober mula sa suspek ang dalawang plastic sachet ng pinaniniwalaang marijuana na tinatayang nasa 22.7 grams ang timbang at nagkakahalaga ng ₱8,167.00.

Nakumpiska rin mula sa kanya ang 500 pesos na buy-bust money at cellphone.

Ayon sa Ibaan MPS, nadiskubre ang iligal na gawai ng suspek matapos pinasailalim sa surveillance ng hepe na si PMaj. Ronnie Aurellano.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Nalaman na ang suspek ay pinagbebentahan ng marijuana ang mga estudyante sa kanilang lugar.

Nasa kustodiya na ng Ibaan MPS ang suspek at hinahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.