19-anyos na estudyante, arestado matapos ang tangkang pananaksak sa isang menor de edad sa Lucena City

Naaresto ng awtoridad ang isang 19-anyos na estudyante matapos umano nitong subukang saksakin ang isang 16-anyos na kapwa nito estudyante sa Barangay Dalahican, Lucena City nitong Miyerkules, Setyembre 20.

Ayon sa report, nasa loob noon ng silid-aralan ang biktima nang magmula ang alitan ng dalawa matapos itong walang anu-ano’y sampalin sa ulo ng suspek na inawat rin naman kanilang mga kaklase.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Makalipas lamang ang ilang oras, kumakain ang biktima sa isang karinderya nang dumating ang suspek at maya-maya’y hinamon ito para sa isang suntukan.

Nang pagbigyan ito ng biktima ay doon na naghubad ang suspek saka kumuha ng kutsilyo at sinubukang saksakin ang biktima subalit maswerte nitong nahawakan ang braso ng suspek.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Nagbanta pa ang suspek kung kaya tumakbo na ang biktima papalayo subalit hinabol parin ito.

Samantala, tumakas ang suspek matapos ang insidente subalit naaresto rin ito ng mga awtoridad kalaunan.