18,000 daily COVID-19 cases, posible sa Nobyembre – DOH

Nagbabala ang Department of Health na maaari pang sumipa sa 18,000 kaso ng COVID-19 ang maitatala kada araw sa kalagitnaan ng Nobyembre.

Ito ang inilabas na projection ng Kagawaran matapos makumpirma ang infection ng XBB at XBC variants sa Pilipinas.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Sa Media Forum, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ito ang kanilang pagta-tantiya kung magtutuluy-tuloy pa rin ang mababang compliance ng publiko sa minimum public health standards.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Kahapon, nakapagtala ng 1,196 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang DOH habang 15,144 naman mula October 11 hanggang 17.