18 katao patay matapos mahulog sa bangin ang isang bus sa Mexico

Hindi bababa sa 18 katao ang nasawi habang 33 naman nasugatan matapos mahulog ang isang bus sa bangin sa western Mexico.

Ayon sa prosecutor’s office, ang bus ay nahulog mga 15 metro pababa sa bangin sa isang highway na nag-uugnay sa state capital na Tepic at tourist destination na Puerto Vallarta.

Read More:  North Korea fires around 10 ballistic missiles toward eastern waters

Tinukoy sa ulat na 11 babae at pitong lalaki ang namatay sa insidente.

Read More:  Rescuers continue search for more victims after deadly high-speed train collision in Spain

Labing isang menor de edad naman ang dinala sa mga ospital para sa medical attention.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.//CA