17-Million na pondo para sa mga mag-aasin ng Central Luzon nasa BFAR na

Naibaba na sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 3 ang pondo para sa mga mag-aasin ng Central Luzon.

Ito ay nagkakahalaga ng 17-million pesos na gagamitin para sa mga gagawing intervention program.

Ayon kay BFAR Region 3 Dir. Wilfredo Cruz, inaayos ito ngayon ng bureau para sa mga pagkakagastusang tiyak ay mapapakinabangan ng mga salt farmers.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Mismong si Cruz ang personal na pumupunta sa mga salt farms sa rehiyon katulad sa Zambales at Bulacan para makausap ang mga mag-aasin at malaman ang mga kinakailangan pang gawin bilang bahagi ng interbensyon na magpapaunlad sa industriya ng pag-aasin sa bansa.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Ito ay matapos na mapag-usapan kamakailan sa nasyonal ang usapin dahil sa mababang produksyon ngayon ng asin sa bansa.

Maliban sa Bulacan at Zambales ay may posibilidad naman umano ang Aurora at Bataan para sa modernisasyon ng salt production.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: BFAR Central Luzon