APEKTADO pa rin ngayon ng malawakang pagbaha ang labing pitong barangay ng Mother Kabuntalan sa probinsya ng Maguindanao.
Sa panayam kay Mayor Salaban Diocolano, ilang buwan na ring naghihirap ang kanyang mga kababayan dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa kanilang lugar.
Ang mga alagang hayop ng mga residente na kinabibilangan ng baka, kambing at kalabaw ay halos nasa tabing kalsada na upang umiwas sab aha.
Gayunman tila blessing naman sa mga residente ito dahil mas dumami umano ang mga nahuhuling isda ng mga residente dagdag pa ni Mayor Diocolano.
Sa ngayon hindi pa naman nagdeklara ng state of calamity ang bayan dahil sa nasabing kadahilanan kasabay ng panawagan ni Mayor Diocolano na mag-ingat lagi lalo na ang mga may-anak na maliliit pa.
Sa ganitong pagkakataon kasi ay mayroong mga naitalang insidente ng pagkalunod ng kanilang mga maliliit na anak sa bayan.