16 na PDL ng Labo District Jail sa Camarines Norte matagumpay na nagtapos sa elementarya at high school sa pamamagitan ng Alternative Learning System

CAMARINES NORTE – Matagumpay na nakapagtapos ang 16 na PDL o Persons Deprived of Liberty ng Labo District Jail sa Camarines Norte.

Ito ay sa pamamagitan ng ng ALS o Alternative Learning System kung saan sa 16 na nagtapos, 9 dito ang nagtapos sa Senior High School, 5 sa Junior High School, at 2 sa Elementary Education.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Ang mga nagtapos na ito ay buong pagmamalaking nagmartsa kasama ang kanilang mga magulang at asawa sa Graduation Rites na inihanda ng Talobatib High School katuwang ang nasabing jail facility sa pamumuno ni Jail Inspector Alexander D Avecilla.

Dinaluhan din ito ng mga guro mula sa nasabing paaralan at ALS sa Labo East na pinaunlakan ng ALS Implementer at Hall of Famer Awardee ng kulungan na si Jail Officer 1 Liezel Fernadez.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Dumalo rin sa naturang kaganapan si Jail Senior Inspector Ramon Rafer, Provincial Jail Administrator at pinangunahan ang Awarding of Certificates bilang pagkilala sa pagsisikap ng mga PDL Completers at mga nagtapos ng K-12 Basic Education Curriculum sa kabila ng kanilang kasalukuyang sitwasyon.