1,500 per day, target mabakunahan sa Legazpi City

BICOL—Target ngayon ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Legazpi na makapagbakuna ng 1,200 hanggang 1,500 indibidwal kada araw sa kanilang COVID-19 vaccination rollout.

Mayroon kasing panibagong batch ng bakuna ang inaasahan kung saan oras na dumating ito ay magiging araw-araw na umano ang pagbabakuna hanggang sa maubos itong maiturok.

Ayon kay Mayor Noel Rosal, maraming bakuna ang inaasahan kung kaya pinaghahanda nito ang lahat ng may QR code dahil hindi na umano ang mga ito kailangang tawagan. Sa ngayon, aabot na sa 32,000 ang bilang ng mga may COVAX number o QR Code.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ipapaalam na lang ng LGU ang magiging schedule ng mga babakunahan kada araw para sa sistematikong vaccination rollout.

Kaugnay nito, inabisuhan ng opisyal ang mga hindi pa nakakakuha ng QR Code na magrehistro na upang maging dire-diretso ang pagbabakuna hanggang sa maabot ang herd immunity na target sa Disyembre.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Sa kabila nito, nilinaw ng alkalde na mananatili pa ring prayoridad ang mga senior citizen, mga buntis at PWD.

Abiso pa nito sa mga Legazpeño, importanteng magpabakuna na dahil mayroon nang local transmission ng COVID-19 kung kaya ang pinakaepektibong depensa umano sa ngayon ay ang bakuna.# || slm