1,500 dagdag na mga pulis, inirequest na ng Naga City para sa Peñafrancia Festival

NAGA CITY- 1, 500 na karagdagang pulis na ang ini-request ng Naga City Police Office (NCPO) sa Police Regional Office 5 para sa Peñafrancia Festival 2022.

Ito ang kinumpirma ni City Events Protocol and Public Information Office (CEPPIO) Chief Allen Reondanga matapos ang serye ng mga pagpupulong kaugnay ng pinakamalaking religious event sa Bicol na siyang biggest Marian event sa Asya.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Inaasahan kasi ng LGU Naga na dadagsain ang okasyon matapos ang dalawang taon na hindi nagawa ang malalaking aktibidad.  Kailangan ang pulisya sa pagpapanatili ng kapayapaan, crowd control at pagpapasunod ng health protocols.

Sinabi ni Reondanga na kinukulit na sila ng mga Bicolano sa ibang bansa at mga nasa ibang rehiyon ukol sa kalendaryo ng mga aktibidad para makapag paschedule ng pag-uwi.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Kabilang sa mga highlight ang Miss Bicolandia na gaganapin sa September 7; September 9 ang  Penafrancia Traslacion, September 16 ang Bicol Regional Military Parade Band/Majorettes Exhibition habang sa September 17 ang Fluvial Procession.