15 local officials at isang kongresista, nag-‘ober da bakod’ sa Lakas-CMD

Nadagdagan pa ang mga lokal na opisyal at political leaders na naglipatan sa partidong Lakas-Christian Muslim Democrats.

Nanumpa bilang bagong miyembro ng Lakas-CMD ang maybahay ni dating House Speaker Jose De Venecia, Jr. na si dating Congresswoman Gina De Venecia at labinlimang local officials mula sa Fourth District ng Pangasinan.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez ang oath-taking ceremony sa Social Hall ng Kamara.

Kabilang pa sa umanib sa Lakas-CMD ang mga lokal na opisyal ng San Fabian, San Jacinto at Manaoag.

Ayon kay Romualdez, patuloy umano nilang isusulong ang integridad, paglilingkod at pag-unlad upang suportahan ang mga adhikain ni Pangulong Bongbong Marcos sa socioeconomic transformation para sa mas matatag na lipunan.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Si De Venecia ay naging kinatawan ng 4th District ng Pangasinan sa Mababang Kapulungan mula taong 2010 hanggang 2016.

Una rito, nanumpa rin sa harap ni Romualdez si Misamis Occidental Second District Representative Sancho “Ando” Oaminal bilang bagong miyembro ng Lakas-CMD.