15 days suspension order vs. Tiwi mayor Villanueva nagsimula na

LEGAZPI-Nagsimula na ang 15 days suspension order ni Mayor Jaime Villanueva ngTiwi, Albay matapos ang bumabang desisyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay dahil sa kasong administratibong inihain kontra dito.

Ang nasabing reklamo ang sinampa ni Michael Lizardo para sa kasong administratibong abuse of power, corruption, gross misconduct, gross neglect of duty, violation of R.A 6713 at conduct predujicial to the best interest of the service.

Read More:  5 injured after military vehicle overturns and plunges into creek in Aklan

Kung maalala, noong Oktubre 13 lumabas ang desisyon mula sa Committee on Laws and Oversight ng SPA matapos mapatunayan na guilty ang nasabing alkalde.

Read More:  Three former NPA members surrender in Eastern Visayas

kung maaalala rin sa mga kasong hawak ng Laws and Oversight, dalawa rito ang nabasura, isa rito ang kasong administratibo ni Polangui Mayor Any Mariscotes.

Sa ngayon inaantay na rin ang desisyon sa iba pang mga local officials na nakabinbin rin ang reklamo sa SPA.