15 areas – nasa ilalim na ng signal number 1 dahil sa Bagyong Kristine

Napanatili ng Bagyong Kristine ang lakas nito habang tinatahak ang direksyong pa-kanluran timog kanluran.

Sa 11am bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro nito sa layong 870 kilometro, silangan ng Eastern Visayas.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 55 kilometro kada oras at bugsong papalo ng hanggang 70 kilometro kada oras.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Nadagdagan naman ang mga areas na nasa ilalim ng signal number 1.

Kabilang na rito ang Catanduanes, Masbate kabilang ang Ticao Island at Burias Island, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Camarines Norte, at eastern portion ng Quezon.

Sa Visayas, signal number 1 din sa Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran, at Southern Leyte; habang sa Mindanao naman ay sa Dinagat Islands at Surigao del Norte kabilang ang Siargao – Bucas Grande Group.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Inaasahang lalakas pa ito bilang isang tropical storm sa susunod na 12 oras, at maaaring umabot ng typhon category sa Huwebes.

Biyernes ito inaasahang magla-landfall sa northeastern portion ng Cagayan.