131 vaccination sites, binuksan sa Camarines Sur Provincial vaccination days

NAGA CITY- 131 na mga vaccination sites ang binuksan ng para sa Provincial Vaccination Days ng Camarines Sur.

Kabilang sa mga venue ng bakunahan kontra COVID-19 ang mga paaralan at mga barangay covered courts sa limang distrito ng lalawigan, maliban pa ito sa Capitol Complex na dati nang bukas para sa walk in.

Kabilang sa mga may schedule mula Dec. 9 hanggang Dec. 18 ay mga bayan  ng Balatan, Buhi, Bato, Baao, Bula ,Pili,  Pasacao, Ragay, Sipocot, Libmanan, Calabanga, Canaman, Tinambac, Nabua, Del Gallego, Lupi, Milaor, Pamplona, San Fernando, Minalabac, Ocampo, Goa , Tigaon, Sagnay, San Jose at Lagonoy.  Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Team ang mamamahala sa bakunahan.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Ibinahagi sa Brigada News FM Naga kay Dr. Nonoy Severo, Municipal Health Officer ng Camaligan, malaking bagay ito para sa mga bayang marami pang dapat na bakunahan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ang Camaligan ay isa sa mga LGUs na nanguna sa National Vaccination Days sa Bicol Region, sa ngayon 90% na ng target population ang naabot.

Naniniwala si Severo na bago magtapos ang 2021, 100% na ng target ang matatapos. Mataas man ang kanilang vaccination rate, tuloy-tuloy ang pagbabakuna tulad na lamang kahapon na marami ring nasa pediatric population ang nakatanggap ng kanilang 1st dose ng COVID vaccine.