12 kaso ng COVID-19, naitala sa Albay

LEGAZPI CITY – Nakapagtala ang lalawigan ng Albay ng 12 mga kaso ng COVID-19 ayon sa Provincial Health Office.
Batay sa datos, apat ang naitala sa Legazpi City, tatlo sa Ligao City, dalawa sa Tabaco City, habang pawang tig-iisa naman sa Daraga, Polangui at Rapu-rapu.

Karamihan sa mga nagpositibo ay kasalukuyang naka-admit sa ospital, habang ang natitira naman ay naka-quarantine.

Gayundin, karamihan dito ay nakapagpabakuna, habang ang iba naman ay walang bakuna o inaalam pa.

Wala namang naiulat na bagong gumaling o pagkasawi.

Sa ngayon, nananatili ang paalala ng tanggapan sa publiko na sundin ang mga ipinatutupad na health protocols at magpabakuna upang maiwasan ang pagkalat ng naturang sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *