Muling nagbabala si Social Welfare Secretary Erwin Tulfo sa mga kawani ng DSWD na pagbutihin ang kanilang pakikitungo sa mga mahihirap na kliyente ng ahensiya.
Ginawa ni Tulfo ang pahayag matapos kumpirmahin ang pagsibak sa dalawang empleyado dahil sa umano’y masamang pag-uugali habang nasa trabaho.
Dagdag ng kalihim hindi naging maganda ang asal ng dalawang empleyado na sinasabing na-stress at nakulitan sa mga mahihirap at mga may edad na kliyente.
Dahil dito ay muling nagpa-alala si Tulfo sa mga DSWD employees na maging maganda ang pakikitungo sa mga taong pumupunta sa kanilang opisina dahil trabaho umano nila ang tumulong sa kapwa.
Tiniyak naman ng DSWD Secretary sa 11,000 contract of service” workers ng ahensiya na hindi ito mawawalan ng trabaho hangang 2028 basta’t pagbubutihin lamang ng mga ito ang kanilang paglilingkod sa bayan.
