11 panibagong kaso naitala mula sa 6 na bayan ng Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Patuloy sa pagakyat ang bilang ng mga naaapektuhan ng sakit na COVID-19 SA Camarines Norte kung saan muling nakapagtala ng 11 panibagong kaso kahapon

Sa case bulletin report ng DOH Bicol, 6 na bayan sa Camarines Norte ang nakapagtala ng panibagong kaso kung saan 4 rito ay mula sa bayan ng Daet, 2 ang nagmula sa bayan ng Paracale, habang naitala ang tig-i-isang kaso sa mga bayan ng Labo, Mercedes, Sta. Elena, Talisay at Vinzons

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Bunsod nito umakyat na sa 572 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan

Mula sa naturang bilang ay sumampa na sa 209 ang aktibong kaso habang walang naitalang nakarekober sa sakit  kung kayat nananatili ang bilang nito sa 333 gayundin ang bilang ng mga nasawi na may 30

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors