NAGA CITY – Hindi maituturing na mahihina sa klase ang 101 mga mag-aaral na nasa Grade 1 hanggang Grade 3 ng Julian B. Meliton Elementary School sa Naga City na napabilang sa National Learning Camp 2023 na recovery program ng Department of Education.
Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Nanethe Raquitico, Coordinator at Guro sa paaralan.
Maliban sa voluntary ang programa sa lahat ng lebel ng mga mag-aaral, ang 101 mga mag-aaral ay naka-classify na sa ginawang CRLA o Comprehensive Rapid Literacy Assessment kung saan ito ang mga bibigyan ng mga interbensyon maging sa transitioning anuman ang grado ng isang mag-aaral lalo na bukas din ito sa lahat ng may nais sumali sa programa.
Ilang mga magulang din kasi ang pabor sa programa lalo na sa kapakanan ng kanilang mga anak na maiiwas din sa sobrang babad sa cellphone at paglalaro kaya walang nangyaring pangungumbinsi sa mga magulang.
Face-to-face ang sistema ng klase at tatlong oras bawat subject sa English, Math, Science ang igugugol ng sampung guro nagboluntaryong magturo sa naturang paaralan.