10,000 benepisyaryo sa region 12, nakinabang sa Presidential Assistance

KORONADAL CITY – NAKINABANG sa ipinamahaging Presidential sa Isulan, Sultan Kudarat ang nasa 10,000 mga magsasaka, mangingisda at kanilang pamilya sa Soccsksargen region.

Ang pamamahagi ng tulong ay pinangunahan mismo ni President Ferdinand “BongBong” Marcos Jr kasama ang ilang miyembro ng gabinete nito. Ang mga benepsiyaryo ay nakatanggap ng tig P 10,000 mula sa Office of the President.

Namahagi din ang DSWD ng tig P 10,000 sa ilalim ng AICS at P 5,000 sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund ng DA. May mga ayuda din ang DOLE, DTI, at TESDA sa mga piling benepsiyaryo.

Samantala, ang Office of the House Speaker ay namahagi ng tig-5 kilos na bigas sa bawat benepisyaryo. Umaasa naman ang Pangulo na sa pamamagitan ng naturang mga assistance ay mas mapabilis ang pagbangon ng mga magsasakang apektado ng El Niño at maibalik ang sigla ng kanilang mga sakahan at palaisdaan.

Pinasiguro din ni Pangulong Marcos na handa ang national government na tulungan ang mga sinalanta ng kalamidad bilang bahagi ng adbokasiya ng Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *