100% vaccination rate target na ng Naga City ; pagbabakuna sa 5-11 anyos paghahandaan na

NAGA CITY- 11% na lamang ng 70% target population sa Naga ang kailangang mabakunahan kontra COVID-19. Kasama sa bilang ang pediatrics population. Kaya naman pinaplanong bakunahan na rin ang natitirang 30% ng 209K na populasyon.

Ito ay ayon kay City Health Officer Dr. Butch Borja.  Aniya nais ni Mayor Son Legacion na kung may sapat na supply ng bakuna mainam maging 100% ang vaccination rate hindi lamang ang target na 70% sa herd immunity na 146K katao.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Pinaghahandaan na ng City Government ang pagbabakuna ng para sa mga edad 5-11 anyos. Wala pang katiyakan kung kalian ang schedule dahil naghihintay rin ng guidelines ang City Health Office mula sa DOH Central office. Isusunod aniya ito kapag natapos na ang mga edad 12-17.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Samantala , ang Naga at Camarines Sur ay walang naitalang COVID-case nitong sabado. Sa tala ng Environment  Disaster Management and Emergency Response Office o EDMERO , naibaba na sa 16 ang aktibong kaso sa 13, 519 cumulative cases.  Sa record naman ng Health Emergency Response Task Force o HERTF walang kaso ng nakakahahawang sakit balik na rin sa single digit ang active cases sa Naga noong nagdaang lingo.