100 % na pagbabalik ng suplay ng tubig sa mga barangay sa Legazpi City target ngayong araw-Mayor Rosal

Unti unti ng naibabalik ang supply ng tubig sa mga barangay na apektado sa lungsod ng legazpi matapos maayos na ang nasirang pump ng Philhydro.

Sa pakikipagpanayam ng Brigada News Fm Legazpi kay Mayor Noel Rosal, sinabi nito inaasahan ngayon araw ay 100% ng mabibigyan ng tubig ang mga barangay na apektado.

Aniya, kani- kanina lang na umaga naayos ang nasira na nasabing gamit kung saan gumana na rin nito ang makina na magbibigay supply ng tubig sa mga barangay.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Makakaranas pa rin ang ilang barangay sa lungsod na mahina o wala pang tubig sa mga barangay dahil sa pinupuno pa nito ang mga pipes patungo sa mga barangay.

Sa ngayon nasa 20% pa lang ang naibibigay na supply ng tubig sa mga barangay.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sinabi ng Alkalde, tiniyak nito na mamayang 5 ng hapon ay mayroon ng tubig sa mga Barangay.

Samantala, nang maibalik ang supply ng tubig kaninang umaga nakaekperiensya rin ang ilang barangay na malatsokolateng tubig sa kanilang tahanan ngunit may mga residente rin na nagpost sa social media nmalinaw ang lumalabas na tubig sa gripo.