10 kawani ng pamahalaan, kinilalang “most outstanding Filipino” ng Metrobank Foundation

Pinangunahan ni Pangulong Bongbong ang pagbibigay ng parangal at medalya ng kahusayan sa sampung kawani ng pamahalaan, na kinilalang most outstanding Filipino ng Metrobank Foundation.

Kabilang sa nabigyan ng medal of excellency ay ang apat na guro, tatlong sundalo at tatlong pulis.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos, sinabi nito na sa pagtanggap nila ng pagkilala, ipinapaalala ng mga awardees na ang Pinoy ay likas na mahusay, mabait, magaling at masipag; mga katangian daw na lutang hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Ang Outstanding Filipino ay ang pangunahing programa at pinaka prestihiyosong parangal na ibinibigay ng Metrobank Foundation, Inc.

Samantala maliban sa pagkilala, nakatanggap din ang bawat outstanding Filipino ng isang milyong piso at tropeo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *