10 bahay, sinira ng buhawi sa Quezon, Palawan – MDRRMO

Sampung kabahayan ang sinira ng isang buhawi sa dalampasigan ng Sitio Bliss sa Barangay Alfonso XIII, Quezon Palawan nitong hapon ng Huwebes, April 27.

Ayon kay Quezon Municipal Disaster Risk Reduction & Management Officer Eden O. Cascara, apat sa sampung bahay ang talagang winasak ng buhawi at ang iba ay hindi na rin maaari pang matirahan ng pamilya.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Mabuti na lamang umano ay napansin at nakabantay kaagad ang mga residente sa tabing dagat kaya walang malubhang nasaktan maliban sa isang bata na nadaganan ng punong kahoy habang ito’y nasa loob ng kanilang bahay.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Sa ngayon, gumagawa na ng pre- damage assessment ang MDRRMO- Quezon para sa mga naapektuhan ng buhawi mula sa dagat.