Isang security guard ang inaresto ng pulisya matapos umanong pagnakawan ang isang Vietnamese student sa Muntinlupa.

Ayon sa biktimang si Thi Thanh Tam Hoang na residente ng Garden by the Bay Residences sa Roxas Boulevard, Pasay, nangyari ang insidente sa Posadas Avenue, Barangay Sucat.
Sa isang follow-up operation, natunton ng mga pulis kabilang ang mga tauhan ng Sucat Substation 4 ng Muntinlupa police ang suspek.
Positibing kinilalang ng biktima si Mc Quinn Jones Borja, 26, security guard, at residente ng Naic, Cavite.