Patay ang isang indibidwal, habang sugatan ang mahigit 20, matapos mahulog sa bangin ang isang service bus ng Department of Education sa Barangay Tala, sa bayan ng Orani, Bataan.
Sa inisyal na ulat, lulan ng naturang bus ang ilang mga guro.
Ayon sa isa sa mga faculty na si Mon Aspa – nahulog sa bangin sa Sito Butarero ng naturang Bayan.
Pauwi na raw sana sila mula sa dinaluhan nilang isang seminar sa Sinagtala Resort.
Lumabas sa paunang imbestigasyon ng Metro Bataan Development Authority na nawalan ng preno ang bus, dahilan para mawalan ng kontrol, at mahulog sa matirik na bangin.
Sa ngayon, dinala na sa Orani Emergency Hospital ang mga nasugatang sakay ng bus.
Sa hiwalay na pahayg naman ng Quezon City LGU, sakay ang mga teacher ng isang donasyong bus sa Schools Division Office noon 2016.
Lulan nito ang mga Public Schools Gender and Development coordinators.
Nakiramay naman ang QC LGU sa nasawi, at tiniyak ang tulong sa mga apektado sa aksidente.
#