BNFM Bicol- INAASAHANG makakamit ang aabot sa P1 bilyon na karagdagang kita sa diving industry ng bansa galing sa mga nagawan ng dive assessments na planong tayuan ng diving facilities sa mga lalawigan ng Masbate, Camarines Norte, Sorsogon, at Catanduanes.
Ayon kay Department of Tourism (DOT) Bicol Regional Director Herbie Aguas, sagana sa likas na yamang dagat ang diving sites sa Barangay San Bernardino sa Bulusan, Sorsogon; Rapu-Rapu, Bacacay, Sto. Domingo at Tiwi sa Albay; at Monreal, San Jacinto at bayan ng Batuan sa Masbate.
Samantala, ibinahagi rin ni DOT Regional Director ang Coral Reef Restoration Program na kanilang isinasagawa para masiguro ang sustainability ng dive tourism kasabay ang pagdeklara ng marine protected areas para mapanatili ang marine diversity. # # # Nico Merciales, Intern
Photo from AlaJode