1.5 million pesos na indemnity aid, ipinamahagi ng da region 2 sa mga asf affected hog raiser sa Tumauini, Isabela

Nasa 1.5 million pesos ang halaga ng ipinamahaging indemnity aids sa mga hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever sa bayan ng Tumauini, Isabela.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay DA Region 2 Regional Director Narciso Edillo, tinatayang nasa 48 na mga hog raisers ang nabigyan.

Ayon sa kaniya, ito na ang last tranche sa Isabela na naantala lang dahil sa mga ipinatupad na lockdown at nagpapatuloy pa itong ipinapamahagi maging sa lalawigan ng Cagayan.

Natapos na aniya ang distribusyon sa lalawigan ng Nueva Vizcaya at Quirino. Paliwanag ni RD Edillo, kabilang ang naturang pondo sa naunang ibinabang 33 million pesos na mula sa quick response fund ng ahensya.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Para aniya sa mga labis naapektuhan noong kasagsagan ng ASF noong last quarter ng taong 2020 kung saan 70% ang mula sa Isabela ay ito ang hindi pa nababayaran.

Aniya, dahil nagkulang ang pondo ng kagawaran kaya nag-request sa office of the president mula sa contingency fund na umaabot sa higit 161 million pesos sa buong Region 2 kung saan 148 million pesos dito ay mapupunta sa Isabela.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Bagaman napirmahan na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahilingan, nagkaroon lamang ng kamalian sa charging dahil nailagay doon ay 2020 subalit wala ng pondo kaya ibinalik ng DBM sa opisina ng pangulo para palitan ng 2021

Ito aniya ang inaasahang darating na pondo para maibigay na rin ang indemnification sa iba pang mga hog raisers na naisailalim sa culling ng DA ang kanilang mga alagang baboy dahil sa ASF.

Nilinaw naman ni RD Edillo na ang mga pangalan ng nasa master list na mabibigyan ay mula sa ipinasang datos ng mga lokal na pamahalaan.