1.3M inaasahang boboto ngayon sa Camarines Sur;  PNP naka full alert status

NAGA CITY- 1.3M ang inaasahang boboto sa local and National Elections ngayong araw sa lalawigan ng Camarines Sur.

Sa tala ng Commission on Elections  (COMELEC) mayroong 1, 307, 553 ang registered voters ang probinsya, ngunit may mga hindi makakauwi  mula sa ibang mga rehiyon dahil sa iba’t -ibang rason.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Kaugnay nito sinabi ng PNP na nakafull alert status sila, matagal na pinaghandaan ang araw na ito kaya tinitiyak ang kaligtasan ng publiko. Ilang araw nang naka deploy sa kani-kanilang assignment ang mga pulis kasama ang mga sundalo.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Ayon kay PLtCol. James Ronatay , tagapagsalita ng Camarines Sur Police Provincial Office, pinapaalala rin nila sa mga pulis na ilang araw lang namang sobrang abala , itodo na ang pagbabantay para sa malinis at mapayapang halalan.