Pinaigting pa ang pagbabantay ng Task Force Oplan Kaluluwa ng Department of Environment and Natural Resources Region 2 na magtatagal hanggang bukas, November 4, 2023.
Ito ay upang masawata ang anumang illegal forest activities kung saan inilunsad ito noong paggunita ng All Saint’s Day and Soul’s Day.
Sa bisa ng isang memorandum ay nasa 21 provincial at community environment and natural resources officers ang naka-deploy sa iba’t ibang lugar sa rehiyon.
Samantala, katuwang ng kagawaran ang mg Local Government Units at law enforcement agencies.