𝟱 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗣𝗔 𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗥𝗘𝗗 – 𝗣𝗗𝗘𝗔

Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency – Isabela na mayroon na lamang limang barangay sa lalawigan ang apektado ng iligal na droga.

Ipinunto ni PDEA Officer Romarico Pagulayan na ang mga natitirang lugar na apektado ng iligal na droga ay ang dalawang barangay sa San Mateo at tig-isa sa City of Ilagan, Cauayan City at Ramon.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Aniya, base sa kanilang datos ng December 31, 2022 nasa 729 na ang drug cleared barangay at 284 ang dru-free mula sa kabuoang 1,018 na barangay sa probinsya.

Tiniyak naman ng opisyal na papalakasin pa ang kanilang kampanya at implementasyon ng Barangay Drug Clearing Program tulad ng pagsasagawa ng Community-Based Anti-Illegal Drug Advocacy Training of Trainers at Drug-Free Workplace Orientation.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Bukod dito, mayroon na ding koordinasyon ang PDEA sa bawat Local Government Unit para sa pagkakaroon ng Bahay Silangan Reformation Center.

Pinasalamatan naman ni Pagulayan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa ibinibigay na suporta sa kanilang hanay at PNP hinggil sa mga isinasagawang anti-illegal drug operations.