𝟰𝟯-𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗

Nasawi ang isang lalaki matapos malunod sa Matalag River na sakop ng Barangay Mauanan, Rizal, Cagayan.

Batay sa ulat ng Rizal Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, kinilala ang nasawi na si Domingo Canay, 43-anyos at residente ng Barangay Baluncanag.

Una rito ay nagtungo umano si Canay sa lugar kasama ang kaniyang kaanak upang mag-picnic.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Nagdesisyon umano itong maligo sa ilog nang makainom na ng ilang bote ng nakalalasing na inumin hanggang sa mapunta sa malalim na bahagi ng ilog.

Dahil sa lakas ng alon ay hindi umano ito agad na nasagip ng kaniyang pamilya.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Pasado alas-dose na ng tanghali nang makatanggap ng tawag ang MDRRMO hinggil sa insidente ng pagkalunod kung saan nadatnan na ang biktima na nilalapatan ng paunang lunas ng kaniyang kamag-anak.

Naidala pa sa pagamutan si Canay ngunit idineklara din itong dead on arrival ng kaniyang attending physician.