𝟰𝟬 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧𝗘𝗥𝗦 𝗡𝗚 𝗡𝗣𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗞𝗨𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗠𝗨𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡

Kusang sumuko sa pamahalaan ang apatnapung miyembro at supporter ng kilusa sa Sta. Teresita, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon g 92.9 Brigada News FM Cauayan sa 5th Infantry Division, Philippine Army, kaalinsabay ng boluntaryong pagsuko ng mga ito ay ang pagsunog sa bandila ng CPP-NPA-NDF at pagkondena sa maling gawain.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Bukod dito, narekober din ang mga improvised explosive device, subersibong dokumento at isinuko rin ng mga ito ang bitbit na armas at mga bala ng baril.

Bilang tanda naman ng tuluyang pagtalikod ng mga ito sa NPA ay nagkaroon ng panunumpa at pagpirma sa wall of commitment.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Samantala, nakatanggap naman ang mga dating rebelled ng limang kilong bigas at relief packs mula sa Provincial Social Welfare and Development Office.

Namahagi naman ang Local na Pamahalaan ng Sta. Teresita ng hygiene kit, mattress at kumot.