LEGAZPI CITY -Kinumpirma ng Provincial Health Office (PHO) Albay na 70% ng target population sa Albay bakunado na. Ayon sa PHO, umaabot na sa 70% o 694, 250 ang nabakunahan sa 987, 297 total target population sa nasabing lalawigan as of December 17 2021.
Base sa record, ang Lungsod ng Legazpi, ang may pinakamataas na coverage rate na 107%.
Sinundan ito ng Tabaco City, 80% at Municipality of Tiwi, 76%, Ligao at Manito parehong nakapagtala ng 69%, Polangui at Sto Domingo parehong nakakuha ng 67% Malinao 66%, Pioduran 65%.
Camalig at Oas pareho din nakapagtala ng 64%, Bacacay 59%, pareho nakakuha ng 57% ang Daraga at Malilipot, 56% ang Guinobatan, Jovellar at Libon parehong mayroong 55% habang pinakamababa naitala ay ang sa isla ng Rapu-Rapu, 26% pa lamang ang nababakunahan sa kanilang target population.
Layunin ng Albay PHO na makamit ang 70% o herd immunity bago magtapos ang taon. Inaasahan din ng ahensya sa mga susunod na araw sa ikalawang round ng national vaccination day sa loob ng tatlong araw ay maabot ng mga ito ang 70% heird immunity.