𝗖𝗢𝗡𝗚. 𝗜𝗡𝗡𝗢 𝗗𝗬, 𝗜𝗡𝗜𝗛𝗔𝗟𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗣𝗨𝗧𝗬 𝗠𝗔𝗝𝗢𝗥𝗜𝗧𝗬 𝗟𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗠𝗔𝗥𝗔

Nagpasalamat ang 6th District ng Isabela Representative na si Hon. Faustino “Inno” Dy V sa pamamagitan ng kaniyang facebook page sa pagbibigay sa kaniya ng tiwala bilang isang Deputy Majority Leader ng House of Representatives o Kamara.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Batay sa kaniyang post, pinasalamatan niya sina Speaker Martin Romualdez, Majority Leader Mannix Dalipe, SDML Sandro Marcos at iba pang bahagi ng liderato na sumuporta ng mga ito.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Aniya, makakaasa ang publiko na triple ang pagpupursige na kaniyang gagawin upang magampanan ang kaniyang tungkulin.

Tiniyak naman ng kongresista na hindi nito pababayaan ang kaniyang distritong nasasakupan sa kabila ng kaniyang responsibilidad.