Naibaba na sa kapatagan ang bangkay ng isa sa siyam na pinuno at miyembro ng Komiteng Probinsya (KomProb) Isabela na kinilalang si Ka Shuli mula sa kabundukan ng Maconacon, Isabela.
Batay sa report, pagkagutom ang dahilan ng pagkamatay nito at inilibing noong 2021 sa nasabing lugar.
Samantala, nauna naman nang nahukay at naiuwi sa kanilang mga pamilya ang walo pa niyang mga kasama.
Ngayong araw naman nakatakdang ipasakamay ng mga otoridad ang katawan ni Ka Shuli sa kaniyang pamilya para mabigyan ng maayos na libing.
Maayos na narekober ang katawan ni Ka Shuli sa pinagsamang pwersa na rin ng 95th Infantry Battalion, 86th Infantry Battalion ng 502nd Infantry Brigade at 201st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 2.