Nasawi ang dalawang indibidwal habang sugatan naman ang dalawampu sa banggaan ng commuter van at close van sa Nagcuartelan, Aritao, Nueva Vizcaya.
Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, kasalukuyang naka-hospital arrest ang driver ng commuter van na kinilalang si Darwin Raquipo, 43-anyos habang ang driver naman ng closed van ay kinilalang si Ciriaco Vertodaso, 40 anyos.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng kapulisan na tinatahak ng dalawan van ang magkasalungat na direksyon nang bigla umanong mawalan ng kontrol sa manibela ang drayber ng commuter van na nagsanhi ng kanilang banggaan.
Dahil sa lakas ng banggaan ay nasawi ang drayber ng close van habang nasa pagamutan pa ang sampung indibidwal na nagtamo ng bali sa braso binti at fracture sa ulo.
Napag-alaman na aabot sa 20 katao ang lulan ng van kung saan pawing magkakamag-anak ang mga ito at galing sa Bicol.
Sa ngayon, nagpapatuloy na inaalam ang halaga ng pinsala ng nasabing insidente habang kinasuhan naman ang drayber ng commuter van ng Reckless Imprudence Resulting in Homicide, Physical Injury at Damage to Property.