Hiniling ni Echague Mayor Kiko Dy sa mga bagong talagang Barangay Officials na huwag palitan ang mga appointed workers sa kani-kanilang barangay.
Ito ang kanyang inihayag matapos isagawa ang Mass Oathtaking Ceremony ng mga nanalong kandidato sa isinagawang Barangay At Sangguniang Kabataan Election 2023.
Ayon kay Mayor Dy, malaki na ang iginugol ng mga Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholar, Barangay Tanod at ibang pang mga appointed workers sa mga seminars at capacity building kaugnay sa kanilang mga responsibilidad.
Ang nasabing hakbang ay mas mainam aniya upang hindi na mahirapan pa ang mga barangay officials at maipagpatuloy ng mga appointed barangay workers ang kanilang mga nasimulang trabaho.
Sa huli, inihayag ng alkalde na kailangang magtulungan ang lahat para sa tuloy-tuloy na progreso sa bayan ng Echague.