𝟮 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗕𝗨𝗞 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗟𝗢𝗡

Hindi na nakaakyat pang buhay ang dalawang lalaki matapos bumaba sa isang balon na may lalim na labin-imang metro sa Sittio Tuliao, Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang mga nasawi na sina George Suyu, 41-anyos at Ronie Allam, 29-anyos na pawing mula sa Junction, Pinukpuk, Kalinga.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na base sa salaysay ng kasamahan ng dalawang biktima ay nagtungo umano ang mga ito sa lugar upang suriin ang kanilang proyekto na deep well.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Nagboluntaryo umano si Allam na bumaba sssa balon gamit ang isang lubid sa kabila ng pagpaalala ng isa sa kanilang kasamahan na mapanganib ito dahil mayroong gas sa ibaba ng balon.

Makalipas umano ang ilang minuto na hindi pag-akyat ni Allam at wala itong tugon sa tawag ng kaniyang mga kasamahan ay nagdesisyon nang bumaba si Suyu upang Makita ang kalagayan nito.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa puntong iyon ay maging si Suyu umano ay hindi na nakabalik pa pataas dahilan upang tumawag nan g tulong ang kanilang kasamahan sa mga otoridad.

Agad namang umaksyon ang Tabuk City Disaster and Risk Reduction Management Office at BFP upang marescue ang dalawa ngunit nasawi na ang mga ito sa ilalim ng balon.