𝗣𝟮𝟬𝗞 𝗡𝗔 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗩𝗘𝗟𝗜𝗛𝗢𝗢𝗗 𝗣𝗔𝗖𝗞𝗔𝗚𝗘𝗦, 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗔𝗪𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗟𝗘 𝗥𝟮 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗠𝗔𝗟𝗟 𝗕𝗨𝗦𝗜𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗢𝗪𝗡𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡

Nakatanggap ang nasa 32 na small business owners sa Lungsod ng Cauayan ng tig-20,000 pesos na halaga ng livelihood package mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) Region 2 sa koordinasyon ng LGU-PESO office kahapon, January 4, sa F.L. Dy Coliseum.

Read More:  Military recovers suspected NPA weapons cache in Samar

Kabilang sa mga nabigyan ng livelihood packages at ang mga may-ari ng vulcanizing shops, sari-sari store owner, street foods vendors, canteen-resto owners at may-ari ng mga bigasan.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Layunin ng programa na tulungan ang mga business owners na ma-suportahan ang kanilang maliliit na negosyo.

Nangako naman ang mga napiling mga benepisyaryo na palalaguin nila ang tulong pangkabuhayan na ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan.