𝗣𝗜𝗟𝗢𝗧 𝗧𝗘𝗦𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗚 𝗖𝗨𝗥𝗥𝗜𝗖𝗨𝗟𝗨𝗠 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗣𝗔 𝗦𝗜𝗚𝗨𝗥𝗔𝗗𝗢

Wala pang kasiguraduhan kung makakasama ang Lalawigan ng Isabela sa pilot testing ng Matatag Curriculum ngayong taon.

Ito ang naging pahayag ni Dr, Rachel Llana, ang Schools Division Superintendent ng SDO Isabela hinggil sa usapin ng K-10 curriculum na nakatakdang i-implementa sa susunod na academic year.

Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang MATATAG Curriculum noong August 10, kung saan babawasan ng 70% ang bilang ng mga learning areas ng mga estudyante para makapag-pokus sa mga foundational skills katulad ng language, pagbasa at pagsulat, matematika, makabansa at Good Moral and Right Conduct o GMRC.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Mula sa 11,738 na learning areas sa kasalukuyang kurikulum ay nasa 3,664 learning areas na lang ang matitira para sa MATATAG Curriculum. Ibig sabihin ay mas kakaunti na lang ang mga subject na kukunin ng mga bata.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Hindi rin papalitan ng MATATAG o K-10 curriculum ang kasalukuyang k-12 program, sa katunayan ay kasalukuyan na ring pinag-aaralan ng DepEd ang Grade 11 at 12 at posible anilang mailunsad ang bagong senior high curriculum sa susunod na taon.