Kasalukuyan ngayong hapon, December 13, ang distribusyon ng Pamaskong Handog ng LGU Cauayan City sa Barangay District 3.
Sa panayam ng Brigada News Team kay Lorenzo Mangantulao Sr., Barangay Captain ng District 3, makakatanggap ang 3,662 family heads sa naturang barangay ng mga noche Buena packages.
Bukod sa naturang pamaskong handog mula sa LGU Cauayan City ay plina-plantsa na rin ng barangay council ang kanilang sariling distribusyon ng noche Buena package at feeding program para sa mga bata.
Bukas, December 14, ang huling schedule ng Pamaskong Handog ng LGU Cauayan sa mga barangay ng Alicaocao, Tagaran, Cabaruan, at San Fermin.