𝗣𝗔𝗚𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟮, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 – 𝗗𝗔

Patuloy ang isinasagawang pagtulong ng DA Regional Field Office 2- Agribusiness and Marketing Assistance Division sa mga pineapple farmers sa Lambak ng Cagayan na maibenta ang kanilang mga produkto.

Una rito, napag-alaman na ilan sa mga magsasaka ang humingi na ng tulong na maibenta ang kanilang mga aning pinya dahil marami umano ang suplay kung saan mababa rin ang benta at presyo.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Dahil dito, nagsimula na ang Agribusiness and Marketing Assistance Service at AMAD Region 2 na suportahan ang mga pineapple farmers.

Kaugnay nito, nakapagdeliver na ang South Agricultural Pineapple Growers Association sa Nueva Vizcaya ng 15,481 kilograms ng pinya sa Bulacan habang nasa 6,000 kg naman ang naibenta ng CIACO mula May 23 hanggang June 1, 2023.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ilan lamang ito sa mga naibenta na ng DA Region 2 katuwang ang AMAS at bawat Local Government Unit maging ang ilang Farmers’ Cooperative Association partikular ang KADIWA recipients ay tumutulong  na din sa pagbebenta.

Sa ngayon, patuloy ang paghahanap pa ng kagawaran ng mga maaaring bumili sa inaning pinya ng mga magsasaka.