𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗪𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞, 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗙𝗣 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟮

Paiigtingin ng Bureau of Fire Protection Region 2 ang kanilang pagbabantay upang masawata ang mga gagamit at magbebenta ng ipinagbabawal na paputok ngayong holiday season.

Ito ang inihayag ni BFP Region 2 Fire Officer III Judith Parallag kung saan nakaalerto na ang mga fire stations sa pagpapatupad ng Oplan Paalala Iwas Paputok.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Aniya, magpapatuloy ang kanilang Fire Safety Inspections upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at tiniyak ang fire truck visibilities maging ang pagbabantay sa matataong lugar.

Bukod dito, patuloy na pinaalalahanan ng BFP ang mga magulang na huwag nang gumamit ng ipinagbabawal na paputok lalo na ang mga bata sa bisperas ng pasko at bagong taon.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Sa isasagawang inspeksyon ng BFP sa mga nagbebenta ng paputok ay titignan ang kalidad ng kanilang produkto, pagkakaroon ng Fire Safety Inspection Certificate at permit mula sa lokal na pamahalaan.