π— π—šπ—” π— π—”π—šπ—¨π—Ÿπ—”π—‘π—š π—‘π—š π—–π—›π—œπ—Ÿπ—— π—Ÿπ—”π—•π—’π—₯π—˜π—₯𝗦 𝗦𝗔 π—–π—”π—šπ—”π—¬π—”π—‘, π—‘π—”π—žπ—”π—§π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—£ π—‘π—š π—§π—¨π—Ÿπ—’π—‘π—š π—£π—”π—‘π—šπ—žπ—”π—•π—¨π—›π—”π—¬π—”π—‘

Aabot sa P1, 100, 000 na halaga ng livelihood assistance ang natanggap ng 46 na magulang ng mga natukoy na child laborers sa mga munisipalidad ng Alcala at Baggao.

Ang naturang livelihood assistance ay mula sa Department of Labor and Employment Region 2 sa ilalim ng Integrated Livelihood Program kung saan bahagi rin ito ng kanilang flagship program na Child Labor Prevention and Elimination Program (CLPEP) na naglalayong isulong ang kanilang adbokasiya sa Child Labor.

Kaugnay nito, layunin ng tulong pangkabuhayan na mabigyan ng tulong ang mga magulang ng mga bata na pagandahin ang kanilang antas ng pamumuhay at upang maging child-labor-free na ang lalawigan ng Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team kay DOLE-Cagayan Field Office (CFO) Head Grace A. Pomar, sinabi nito na hindi dapat nararanasan ng mga bata ang mga hazardous na mga trabaho na maaaring maka-apekto sa kanilang physical, emotional, at cognitive development.

Dumaan din ang mga magulang at mga guardians sa Business Work and Improvement Course training on simple bookkeeping and Occupational Safety and health Standards (OSH) Training para matiyak na mayroong mga sapat na kakayahan ang mga ito para sa paglago ng kanilang pang-hanap buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *