Lalaking wanted sa kasong carnapping, nasamsam ng umano’y shabu

Nasamsaman pa ng iligal na droga ang isang lalaking wanted sa kasong carnapping matapos isilbi ng kapulisan ang warrant of arrest laban sa kaniya sa Claveria, Cagayan.

Ang naaresto ay kinilala sa alyas na Paco, 33-anyos at resident sa naturang bayan.

Nakumpiska mula sa direktang pag-iingat nito ang dalawang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, lighter at sigarilyo.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Claveria Police Sation ang naaresto at nahaharap sa karampatang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *