𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗚𝗨𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗢𝗢𝗠 𝗖𝗥𝗔𝗡𝗘 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang lalaki matapos magulungan ng boom crane kahapon, December 14, sa City Road ng Brgy. Calamagui 2nd, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang drayber ng Boom Crane na si Edieson Santos, 39-anyos at residente ng Brgy. Bangag, City of Ilagan, Isabela. Ang naturang boom crane ay wala ring plate number at wala ring maipakitang OR/CR.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Samantala, ang nasawing lalaki ay kinilalang si Abner Pertez, 42-anyos, na residente ng Zone III, San Mariano, Isabela kung saan minamaneho nitong motor.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, parehong patungo ang dalawang sasakyan sa Centro Poblacion ngunit nang marating ang pinangyarihan ng insidente ay aksidenteng nabangga ng boom crane ang likurang bahagi ng motor ng nasawi.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Dahil dito, nahulog si Pertez mula sa kaniyang sasakyan at dito na siya nagulungan ng boom crane.

Naisugod pa sa pagamutan ang nasawi subalit idineklara na itong Dead-on-Arrival ng kaniyang attending physician.

Nasa pangangalaga na ngayon ng Ilagan CPS ang drayber ng boom crane maging ang dalawang sangkot na sasakyan para sa tamang disposisyon.