𝗚𝗨𝗥𝗢 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗡𝗡𝗘𝗥, 𝗔𝗣𝗔𝗬𝗔𝗢, 𝗡𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗡𝗗𝗜𝗗𝗔𝗧𝗘 𝗦𝗢𝗟𝗗𝗜𝗘𝗥

“𝙈𝙖, 𝙩𝙝𝙖𝙣𝙠 𝙮𝙤𝙪 𝙛𝙤𝙧 𝙨𝙪𝙥𝙥𝙤𝙧𝙩 𝙚𝙫𝙚𝙣 𝙩𝙝𝙤𝙪𝙜𝙝 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙠𝙖𝙮𝙤 𝙜𝙤𝙤𝙙𝙨 𝙨𝙖 𝙜𝙖𝙣𝙞𝙩𝙤 𝙥𝙚𝙧𝙤 𝙄’𝙢 𝙫𝙚𝙧𝙮 𝙩𝙝𝙖𝙣𝙠𝙛𝙪𝙡 𝙥𝙖 𝙧𝙞𝙣 𝙠𝙖𝙨𝙚 𝙣𝙖𝙞𝙣𝙩𝙞𝙣𝙙𝙞𝙝𝙖𝙣 𝙣𝙞𝙮𝙤 𝙖𝙠𝙤 𝙖𝙩 𝙣𝙖𝙠𝙞𝙨𝙖𝙠𝙨𝙞 𝙨𝙖 𝙨𝙪𝙘𝙘𝙚𝙨𝙨 𝙠𝙤 𝙨𝙖 𝙖𝙧𝙖𝙬 𝙣𝙖 𝙞𝙩𝙤.”

Ito ang naging mensahe ni Pvt Carmencita Alberto sa kaniyang mga magulang matapos manguna sa Candidate Soldier Course Class 761-2023 kung saan ngayong arew ang kanilang pagtatapos sa 5ID training School sa Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa naging panayam ng Brigada News Team kay Pvt. Alberto, naging hamon aniya sa kaniya bilang isang babae na makisabay sa kalalakihan sa bawat pagsasanay nila.

Aniya, kailangang preparado physically at mentally sa oras na pumasok sa ganitong pagsasanay at malaking parte ng kaniyang tagumpay ang pakikibagay o pakikisama sa kaniyang kapwa.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Si Pvt. Alberto ay 24-anyos, mula sa Conner, Apayao, nagtapos sa kursong Bachelor in Secondary Education, nakapasa sa LET at ngayo’y nanguna sa kaniyang hanay kung saan ang general average nito ay 91.69%.

Samantala, pumangalawa naman si Pvt. Dan Clifford Barbero, 21-anyos, k-12 graduate at may general average na 91.69% habang pumangatlo naman si Pvt Van Vincent Garsuta, Bachelor of Science in Electrical Engineering (BSEE) undergraduate at may average na 91.54%.