𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗜𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗖𝗞𝗛𝗢𝗘, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬

Patay ang isang operator matapos itong maipit sa backhoe na nakasakay sa isang 10 wheeler truck sa Baggao, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigda News FM Cauayan, inihayag ni PNP Baggao Deputy Chief of Police PCapt Jackelyn Urian na kinilala ang nasawi na si Donel Cadaba, 31-anyos, backhoe operator habang ang drayber naman ng 10 wheeler truck ay si Neil Barrientos.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na galing ng poblacion ang truck sakay ang backhoe at papunta sa isang proyekto sa Barangay San Jose.

Biglaan umanong nagpreno ang drayber ng truck dahil sa isang kawad ng kuryente.

Dahil dito ay naipit ng backhoe si Cadaba na noo’y nakahiga sa truck kung saan natamaan umano ito ng blade na nagsanhi ng kaniyang kamatayan.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Dagdag pa ni PCapt Urian, wala umanong stopper ang backhoe kaya ito gumalaw nang nagpreno ang drayber ng 10 wheeler truck.

Sa ngayon ay nasa kustodiya nan g Baggao Police Station ang drayber ng 10 wheeler para sa karagdagang dokumentasyon at imbestigasyon.