𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗥𝗗𝗜𝗟𝗟𝗘𝗥𝗔 𝗔𝗗𝗠𝗜𝗡𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗠𝗔𝗗𝗔𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗨𝗛𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗣𝗔 𝗕𝗨𝗡𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢

Nagpaalala ang DPWH-Cordillera Administrative Region sa mga motorista na kailangan ng ibayong pag-iingat sa pagbiyahe dahil sa patuloy na pag-ulan at lakas ng hangin bunso ng bagyong Egay.

Ayon sa kagawaran, ilang kalsada sa Cordillera Region ay hindi na pwedeng daan habang ang ilan naman ay isang lane lamang ang passable.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Kabilang sa mga kalsadang isinara ay ang Abra-Kalinga Road, Abra-Ilocos Sur Road, Abra-Ilocos Norte Road, Baguio-Bontoc Road, Kennon Road, at Claveria-Calanasan-Kabugao Road.

Isinara ang mga nabanggit na kalsada dahil sa mga pagguho ng lupa at pagkaputol ng mga kahoy na nakaharang sa daan.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Samantala, asahan umano ang mabigat na daloy  ng trapiko dahil isang lane lamang ang passable sa Gov. Bado Dangwa National Road. Banaue-Hungduan-Benguet Boundary Road, at Claveria-Calanasan-Kabugao Road.