饾棞饾棢饾棓饾棥饾棜 饾棔饾棓饾棩饾棓饾棥饾棜饾棓饾棳 饾棪饾棓 饾棩饾棙饾棝饾棞饾棳饾棦饾棥 饾棗饾棦饾棪, 饾棞饾棪饾棞饾棥饾棓饾棞饾棢饾棓饾棢饾棞饾棤 饾棪饾棓 饾棦饾棩饾棓饾棥饾棜饾棙 饾棓饾棫 饾棳饾棙饾棢饾棢饾棦饾棯 饾棓饾棢饾棙饾棩饾棫 饾棡饾棓饾棬饾棜饾棥饾棓饾棳 饾棪饾棓 饾棔饾棪饾棡饾棙 饾煯饾煬饾煯饾煰

Inilunsad ng Police Regional Office 2 katuwang ang Commission on Elections at iba pang ahensya ng pamahalaan ang Regional Committee para sa Kontra Bigay sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections 2023.

Una rito, iprinisenta ng Regional Intelligence Division ng PRO2 ang update sa Election Areas of Concern sa Rehiyon kung saan isinailalim ang 45 at 16 na barangay sa Orange at Yellow Category.

Sa kabila nito, nananatiling generally calm and peaceful ang assessment ng kapulisan sa Region 2.

Bukod dito, ipinunto pa sa pagpupulong hinggil sa premature campaigning kung saan kailangan ang istriktong pagpapatupad sa campaign period sa October 19-28, 2023.

Ipinaliwanag naman ni Atty. Machael Camangeg ang Provincial Elections Supervisor IV ng Cagayan ang warrantless arrest sa mga masasangkot sa vote buying at vote selling.

Aniya, ang vote buying sa pamamagitan ng online banking transactions ay pinaparusahan sa ilalim ng resolusyon at ipatutupad din ang money ban.

Tiniyak naman ni PRO2 Regional Director PBGen. Christopher Birung ang buong suporta ng kapulisan para sa ligtas at payapang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *