𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗣𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗜𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡, 𝗨𝗠𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝟯𝟱𝟰-𝗠

Nasa P354, 585, 000 na ang kabuoang halaga ng naipamahaging social pension ngayong second semester sa limampu’t tatlong LGU sa Lambak ng Cagayan.

Ito ay batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development Region 2 kung saan nasa 244,431 ang kabuuang target na benepisyaryo ng naturang pension at 118,195 na ang nakatanggap mula rito.

Layunin ng naturang programa na mapangalagaan ang mga Indigent Senior Citizens kung kaya’t makakatanggap ang mga ito ng buwanang pension na nagkakahalaga ng P500.

Nahati sa dalawang semestre ang pamamahagi ng ahensiya kaya nasa P3,000 ang matatanggap ng mga benepisyaryo sa bawat semestre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *